No infringement intended. The scenes are just product of writers imagination. -------------------------------------------------------------------------------------------------- I watched in utter disbelief as the TV screen showed the Philippines flag being lowered at pinalitan ng bago design. Stripes na siya na black and white tapos may malaking bilog sa gitna at may design na bungo sa gitna din ng bilog na yun. Plus may three stars sa ibaba ng bugo. Astig no?. Kagulat nga lang. Pero teka bakit nga ba kailangan ko pang magulat eh mahigit anim na buwan naman nang sinakop ang pilipinas. Anim na buwan pero madami na agad nagbago. Sinakop ng mga taga ibang bansa. Nagsama-sama sila. Korea, America at China. Ayos no?..mwahahahaha Pati mga tao nagsasa-sama na din. And now, we are trying to form a new country, at papangalanang "PACK" daw. [Philippines, America, China and Korea]. Diba wapack na wapack!!!?mwahahaha So eto na nga, nasakop na nga ang Pilipinas. Isn't that nice? Paano naging nice?.haha Baka magulat ka? "Shet ang gwapo talaga ng Presidente!!" kinikilig na sigaw ng kapatid kong si Jaemerie/Jae. "Tanga mas gwapo yung Vice President" sabi naman ng kaibigan ko habang nanunuod sa TV at may nakaukit na puso sa kanyang mga mata. "Ang guwapo din ng mga kanang kamay nila." pati nanay ko lumalandi.mwahahaha Oo, narinig niyo naman may kanang kamay sila. "Ikaw Sushi kanino ka nagugwapuhan?" tanong ng pinsan kong si Hunnydew/Dew habang nakikikain sa Mr. Chippy ko. Oo, Mr. Chippy hindi na Mr. Chips. Ewan ko ba naging weird na ang mundo simula ng masakop tayo. Daming nagbago, pero cool! "Ah ako, mas type ko si Vice President T.O.P, pero mas hot ata si President G-Dragon?.hehe"-ako, sabay inom ng sofdrinks. Yeph, yeph tama ang nabasa niyo. Ang President ay si G-Dragon ng Big Bang kanang kamay niya si Seung Ri, Vice naman si TOP kanang kamay si Dae Sung. Asan si Taeyang?. Siya lang naman ang bagong Chief of Justice. mwahahaha "Oi ano nang oras!? Late na tayo!!" Pupunta kami ng mall, andun daw kasi ngayon ang 2NE1 at ang cast ng TWIGHLIGHT may bago silang movie entitled 'TWIGLIGHT 5: Renesmme's Death Note'. Tumayo na ako para lumabas na at sumunod na din ang pinsan kong si Dew at kapatid kong si Jae. Out of the gate, we rushed to get a taxi. Ops! wala na pong jeep eh, puro taxi nalang pero parang jeep lang ang pamasahe, otso pesos ang bayad. And we were very lucky. We quickly found a MITSUBISHI MONTERO taxi that was turning near my house. Sumakay na kami pero malas naman oh, koreano ang driver.amp "Please take as to MOA" sabi ko. Sana nakakaintindi siya ng English. Eto ang panget dito eh, hindi magkaintindihan mga tao. Parang naging new breed ng mutants tingin sa isa't-isa. Minsan makakaharap mo korean, minsan chinese, minsan amerikano nga pero projectile nosebleed at internal hemorrhage naman mapapala mo kaka English.tss "Tashi hanbon malseu maejushigesseoyo?" ay shet alien language. Eto na nga ba kinakatakutan ko eh. Kinulbit ko si Dew kasi alam ko may konti siyang alam sa korean language. May subject na kasi silang Chinese and Korean Language Tutorial (CKLT). Oh di ba ang taray. mwahahaha "Oy may sinasabi oh hindi ko maintindihan"-ako "Tashi hanbon malseu maejushigesseoyo?" pag-ulit nung driver sa mga sinabi niya. "Monaradutkesoyo" at nag hand sign si Dew. Tsaka niya ako niyayang lumabas na ng taxi. "Bakit tayo bumaba? Anong sinabi nung driver?"-Jae "Hindi ko alam"-cool na sagot ni Dew. "Ha? panong hindi mo alam eh may sinabi ka ngang Monaradutkesoyo churva eclavu"-ako "Ibig sabihin nung sinabi ko eh 'I don't understand', ang haba kaya nung sinabi niya no!! wala yun sa notes ko!"-Dew, so ayun nga wala na kaming nagawa kundi mag hanap ulit ng taxi. Ang nasakyan naman naming taxi ngayon eh isang LAMBORGHINI buti nalang kamo amerikano ang driver. Mas keri ko pang mag English karabao. Nung makarating na kami ng mall, namimigay na ng posters at HERMES bag ang Cast ng TWIGHLIGHT [Renesmee's Death Note]. Tapos namimigay na din ng CONVERSE at VERSACE shoes ang 2NE1. Diba ang sosyal?.Mga mamahalin. Nag-iba na talaga ang mundo. Kaso na huli kami ng dating kaya ang nakuha nalang namin eh 'Ipods' nalang. Syempre nagpapicture na din kami kasama ng mga sikat na artistang yun at sikat na kpop idols. Pag labas naman namin, may pinagkakaguluhan din sa may bandang exit kaya pati kami napalapit at naki-usyoso na din. At ayun nga si Jackie Chan pala namimigay ng freebies. Pagkatapos nun umuwi na ako. Hindi niyo naitatanong, kapit bahay ko nga pala si Taylor Swift. At may pinapatayo na ding school. HARVARD UNIVERSITY Mandaluyong Branch. Meron pang isa. UNIVERSITY OF CAMBRIDGE Sampaloc Branch. Dami nagbago no?. Akalain mo yun Big Bang namumuno sa bansa natin. Tapos mga K-Pop at mga sikat na artista pakalat kalat nalang sa paligid. Tapos mga taxi puro sosyal na. At take note, may University of Cambridge at Harvard University na sa Pinas. Bonggabels!!!..mwahahaha *** kriiiinggg...kriingggg Ops uwian na. Tama na ang pagdi-Day Dream..mwahahaha Pero tanong ko lang. Matutuwa ka ba pag ganitong sinakop na ang Pilipinas?? At ganyan lahat ng mangyayari?? |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories
All
|